Raymund M. Pasion
Asst. Professor,Davao Oriental State College of Science and Technology, Mati City, Davao Oriental, Philippines
raypasion@yahoo.com
Date Received: September 30, 2014; Date Revised: November 30, 2014
Varyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya 423 KB 5 downloads
Raymund M. Pasion Asst. Professor,Davao Oriental State College of Science and Technology,...
Layuning panlahat sa pag-aaral na ito na tuklasin ang varyasyong leksikalsa Wikang Mandaya na matatagpuan sa Probinsyang Davao Oriental. Bilang lunsaran sa paglilikom ng mga datos, ginamit ang mga terminong kultural na pangkabuhayan tulad ng pagsasaka, pangangaso, pangingisda at paghahayupan nanababatay sa Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP).Sinikap sagutin sa pag- aaral ang suliraning ano-anong varyasyong liksikal ang makikita sa mga terminong kultural na pangkabuhayan ng Mandaya na makikita sa munisipalidad ng Caraga, Manay, Bagangaat Cateel? Disenyong kwalitatibo ginamit.Metodong indehinusat deskriptibo naman ang ginamit mula sa paglilikom hanggang sa pag-aanalisa ng mga datos. Samantalang, ang mga impormante ay pinilisa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snow-ball sampling. Natuklasan, na ang wikang Mandaya ay nakitaan ng varyasyong lekisikal ayon sa magkakaiba ang anyo, may pagkakatulad ang anyo, at magkakatulad ang anyo subalit magkakaiba ang bigkas. Gayunpaman, pinaniniwalaang dahil sa paktor na heograpikal, sikolohikal at sosyolohikal na nagaganap sa kanilang kultura ay hindi rin maipagkailang nagyari ang varyasyong leksikal na aspekto nito.
Mga Susing-salita: Dayalekto,Leksikal, Mandaya, Varyasyon