Rhoda Lallen-Pamposa (EdD)
Iloilo State College of Fisheries-San Enrique Campus, San Enrique, Iloilo,
Philippines
francispamposa28@gmail.com
Date Received: September 19, 2017; Date Revised: February 21, 2019
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 70-82
February 2019, Part II
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Tekstong Salin ng mga Piling Alamat sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo 624 KB 1 downloads
Rhoda Lallen-Pamposa (EdD) Iloilo State College of Fisheries-San Enrique Campus,...
Madaling mahulaan kung anong mayroon ang isang bayan sa pamamagitan ng kanyang panitikan. Dito malalaman ang kultura, pamumuhay at lalong-lalo na ang pinagmulan nito. Ito ay maaring sa anyong kuwentong bayan, karunungang-bayan at awiting bayan. Sa pag-aaral na ito, nangalap, nagsalin at sinuri sa Filipino ang mga piling alamat sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo sa apat na bayan kung saan matatagpuan ang mga Kolehiyo ng Iloilo State College of Fisheries. Sa mga bayan na ito isinagawa ang pag-aaral. Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay kinapanayam ng mananaliksik ang mga mahalagang taong kasangkot sa pag -aaral gaya ng mga opisyal ng barangay, matatandang maaring may kaalaman tungkol sa mga alamat at mga taong dalubhasa sa larangan ng Panitikan maging ang Sining at Kultura ng Ikaapat na Distrito ng Iloilo. Matapos ang nga hakbanging nabanggit, isinalin ng mananaliksik ang mga nakalap na mga alamat. Sinuri rin ang mga ito gamit ang Pananalig at Dulog Pampanitikang Historikal, Sosyolohikal, at Kultural. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga alamat mula sa Ikaapat na Distrito ng Iloilo ay naganap sa iba’tibang panahon na naging dahilan sa pagkapangalan ng bawat barangay batay sa tanim, bagay at pangyayari. Tumatalakay rin ito sa mga kasaysayan, pamumuhay at kultura ng mga Ilonggo.
Susing-salita: Alamat, Pagsasalin, Pagsusuri, Kultura