Eva S. Balbada, EdD, Rowena C. Largo, EdD
Eastern Samar State University, Cebu Normal University
evabalbada.ph@gmail.com, wenz_largo@yahoo.com
Date Received: September 3, 2021; Date Revised: October 31, 2021
Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development
Vol. 9 No. 2, 11-22
October 2021 Part III
ISSN 2782-8557
Pagsipat sa Kulturang Waraynon sa mga Piling Awitin ni A. Ramasasa 393 KB 7 downloads
Eva S. Balbada, EdD, Rowena C. Largo, EdD Eastern Samar State University, Cebu Normal...Nilalayon ng pag-aaral ang pagsusuri sa nilalaman ng mga awiting Waraynon ni Art Ramasasa. Mahalaga ang pag-aaral na ito para matalos, mabatid at matukoy ang mga pagpapahalagang kultural na nakapaloob sa mga awitin para sa preserbasyon ng kultura at sa pagpapayaman ng panitikan. Saklaw ng pag-aaral ang sampung awiting Waraynon na sinuri ayon sa paksa at tema, simbolismo. Ginamit ang kwalitatibong disenyo at sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng kontent analisis. Ang kaligiran ng pag-aaral ay kinuha sa sampung nagwaging Siday ay nagmula sa mga makata ng Leyte at Samar saRehiyon 8 na nagwagi sa iba’t ibang patimpalak mula sa lokal, rehiyunal at pambansa. Natuklasang ang paksa at tema ng mga awitin ay tungkol sa pag-ibig, kasayahan, pagdiriwang sa mga okasyon, at pamumuhay ng mga tao. Ang mga simbolismong nabatid ay bahal nga tuba na sumisimbolo ng kasiyahan, gala -pagiging galante, sensilyo – kagalakan, kasing-kasing – romantiko, bandera – puri at dangal, simbahan – kasalan, at hinog na makopa – mapupulang labi. Dahilan ng pagkakalikha ng mga awitin ang pagpapakilala ng mga tradisyon, kultura at paglalarawan sa mga lugar. Lumitaw sa mga awitin ang kulturang masayahin at matatag ng mga Waray. Ito ay nagpapatunay na ang mga awiting Waraynon aynagtataglay ng mga pagpapahalagang kultural na sumasalamin sa paraan ng pamumuhay, pagtangkilik sa nakagisnang gawi at pagpapahalaga na magpapakilala at magpapalaganap sa kultura at magagamit sa pagtuturo ng panitikan.
Mga Susing Salita: awiting waraynon, kaligiran, kultura