Fides del Castillo (PhD)
De La Salle University Manila, Philippines
fides.delcastillo@dlsu.edu.ph
Date Received: October 27, 2020; Date Revised: January 17, 2021
Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development
Vol. 9 No. 1, 76-82
March 2021
Pagsasalo- Salo sa Dakilang Bakas ng Pagmamagandang Loob ng Diyos 346 KB 2 downloads
Fides del Castillo (PhD) De La Salle University Manila, Philippines fides.delcastillo@dlsu.edu.ph Date...Ang artikulong ito ay isang paraan ng pagtingin sa sakramento ng banal na eukaristiya gamit ang lente ng “bakas” ni Jose De Mesa, kung saan madarama at makikita ang kagandahang loob ng Panginoon. Sa pamamagitan ng pagbalik tanaw sa kasaysayan ng Kristiyanismo hindi lamang sa Pilipinas ngunit mula sa pagkapanganak nito, maipakikita ang tunay na diwa ng selebrasyon. Ang mga obserbasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan kasama na ng personal na pamumuhay ay isinama upang mas lalong maunawaan ang kultura at pananaw ng mga Filipino. Sa makatuwid, ito ay isang pag-aaral at pag-uugnay ng sakramento ng misa sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Kristiyanong Filipino. Sa kabilang banda, ang mga suhestiyon na babanggitin sa artikulong ito ay pinag- isipang mabuti upang magkaroon ng mas malalim na kahulugan ang metolohiya ng pamamakas. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng pag unawa sa paniniwala at kultura ng mga Filipino kasangguni ang pagiging tapat sa liturhiya ng simbahang Katolika.
Keywords: Misa, tradisyon, simbahang Katolika, Filipino, Kristiyanismo, pagmamahal