University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato, Philippines
sexynhels@yahoo.com.ph
Date Received: July 15, 2014; Date Revised: November 10, 2014
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
P-ISSN 2350-7756 | E-ISSN 2350-8442 | Volume 2, No. 6 | December 2014
Pagdalumat Sa Mga Sinaunang Di- Materyal Na Kultura Ng Mga B‟laan Sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato Mula Sa Kanilang Kwentong Bayan 761 KB 2 downloads
University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato, Philippines sexynhels@yahoo.com.ph Date...
Nilayon ng pag-aaral na lumikom ng kwentong bayan ng mga B’laan sa Brgy. Pisan, Kabacan, North Cotabato at dalumatin ang kanilang di-materyal na kulturang masasalamin dito.Sa pagbibigay katuparan sa layunin, nasagot ang mga sumusunod na katanungan: (1) Ano ang mga kwentong bayan ng mga B’laan sa Pisan, Kabacan, Cotabato? (2) Anong mga di-materyal na kultura ang maaaring pagkakakilanlan ng mga B’laan ang masasalamin sa kanilang mga kwentong bayan? Paano ipinakita ang mga ito sa kanilang mga kwentong bayan? Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga kwentong bayan na inuri ayon sa alamat, mito, salaysayin at pabula na kasasalaminan ng di-materyal na kultura ng mga B’laan na nakatira sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato. Kwantitatibo at Kwalitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral at sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng deskriptibong pamaraan partikular ang kontent analisis. Pamaraang indihenus o pangkatutubo ang pamaraang ginamit. Natuklasan na (1) May iba’t ibang kwentong bayan sa genre na alamat na etiolohikal, mito, salaysayin, at pabula ang mga Blaan; (2) Iba’t ibang di-materyal na kultura ang masasalamin sa mga kwentong bayan ng B’laan. Ito ang nabuong konklusyon: (1) Ang mga kwentong bayan ng B’laan ay kasasalaminan ng kanilang di-materyal na kultura.
Mga Susing salita: B’laan, Kwentong Bayan, Di-materyal na Kultura