Annabelle L. Balderian, EdD, Rowena C. Largo, EdD
Leyte Normal University , Cebu Normal University
bellebalderian@gmail.com, wenz_largo@yahoo.com
Date Received: September 8, 2021; Date Revised: October 31, 2021
Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development
Vol. 9 No. 2, 23-30
October 2021Part III
ISSN 2782-8557
Pagdalumat ng mga Nagwaging Piling Siday sa Leyte at Samar 357 KB 7 downloads
Annabelle L. Balderian, EdD, Rowena C. Largo, EdD Leyte Normal University , Cebu...Ginamit sa pag-aaral na ito ang pamamaraang kwalitatibong pananaliksik sa anyong Content Analisis. Batay sa pagsusuri, napatunayan na karamihan sa mga siday ay tulang liriko ang uri at sinundan ng tulang pangkalikasan. Sa diwa, nagpapakita na ang mga Waray ay mapamaraan at mahilig sa kasiyahan, nagpapahayag ng damdamin, at kinapapalooban din ng karanasan ng mga tao sa pang-araw- araw na buhay. Parehong nanguna ang estilong panarili at kombersesyonal samantalang sa tayutay ay nanguna ang pagmamalabis, pangalawa ang pagtutulad na sinundan ng alegorya, personipikasyon, pasukdol, pagsalungat at pag-uulit. Mayaman sa kultura ang mga Waray gaya ng mahilig sa kasiyahan, mahilig magdala ng tirang pagkain, pagbisita sa kasintahan, maramdamin, sakripisyo, mapangarapin,bukas sa pagbabago, pagmamalasakit, pakikipagsapalaran at pagpapahalaga sa tagubilin. Kaya masasabing ang mga nagwaging siday ay tulang liriko ang uri, kinapapalooban ng iba’t ibang diwa, estilong panarili at kombersesyonal, iba’t ibang tayutay, at hitik sa kulturang Waraynon.
Mga Susing Salita: pagdalumat, nagwagi, siday, sangkap, kulturang Waraynon