Geraldine C. Rebamonte
Cebu Normal University, Osmeña Boulevard, Cebu City, Philippines
geraldinerebamonte@ymail.com, rebamonteg@gmail.com
Date Received: October 19, 2020; Date Revised: January 12, 2021
Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development
Vol. 9 No. 1, 38-43
March 2021
ISSN 2782-8557
Mga Piling Talumpati ni Benigno C. Aquino III: Kontekstuwal na Pagsusuri (Select Six Speeches of Benigno C. Aquinto III: Contextual Analysis) 308 KB 4 downloads
Geraldine C. Rebamonte Cebu Normal University, Osmeña Boulevard, Cebu City, Philippines geraldinerebamonte@ymail.com,...Pangunahing layunin ng pag-aaral na masuri ang anim na talumpati ni dating Pang. Benigno C. Aquino III, gamit ang teorya ni Gery W. Ryan upang makabuo ng gabay sa pagtuturo ng Pinagsanib na Wika at Panitikan. Kwalitatibong paraan ng pananaliksik ang ginamit sa pagsusuri sa mganilalaman para matukoy nang tiyak ang tema. Tiniyak sa pag-aaral na masagot ang sumusunod: (1) Pagsusuri sa mga salita; (2) Masinsinang pagbabasa ng “larger blocks of text”; (3) Pagsusuring intensyunal sa mga katangiang panlinggwistika; (4) Pisikal na manipulasyon sa teksto. Natuklasan sa pagsusuri sa anim na talumpati na ang salitang pangnilalaman na may kategoryang pinakamadalas naulit ay ang salitang natin, apat lamang ang nagtataglay ng paghahambingan at pagkokontrast at apat din na talumpati ang may mga suliraning pang-agham panlipunan. Samantala, lahat ng talumpati ay nagtataglay ng mga nakatagong impormasyon. Sa pagsusuring panlingguwistika, ang anim na talumpati ay nagtataglay ng 12 uri ng tayutay na ang ika-12 ay kombinasyon ng dalawang tayutay sa isang pangungusap at sa kabuoan ay umabot sa 48 pahayag. Batay sa mga natuklasan, ang mga piling talumpati ni dating Pang. Benigno C. Aquino III ay pinakaangkop gamitin sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan na tulad ng sanaysay at talumpati. Naging magaan ang ginawang pagsusuri sa anim na talumpati sa tulong ng teorya ni G. W. Ryan na nakatuon sa kontekstuwal at panglingguwistikang pagsusuri.
Mga susing salita: Gery W. Ryan, panitikan, sanaysay, talumpati, wika