Richelda P. Jolo (PhD)1, Felisa D. Marbella (PhD)2
Sorsogon State College, Paaralang Gradwado, Lungsod Sorsogon, Pilipinas
richeldajolo@gmail.com1, felymarbella03@gmail.com2
Date Received: October 24, 2020; Date Revised: January 19, 2021
Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development
Vol. 9 No. 1, 91-97
March 2021
Mga Diyalektong Pantahanan sa Sorsogon 319 KB 5 downloads
Richelda P. Jolo (PhD)1, Felisa D. Marbella (PhD)2 Sorsogon State College, Paaralang...Tiniyak sa pag-aaral na ito ang kasalukuyang kalagayan ng mga diyalektong pantahanan sa Sorsogon. Ginamit ang deskriptib-analisis na disenyo ng pananaliksik. Stratefied random sampling ang ginamit sa pagkuha ng 900 kalahok mula sa l4 na bayan at isang (1) lunsod sa lalawigan ng Sorsogon. Gumamit ng talatanungan ang mananaliksik sa paglikom ng mga datos at nagsagawa rin ng impormal na pakikipanayam sa mga kalahok sa pag-aaral. Ang mga nakalap na datos ay inalisa, sinuri at binigyan ng interpretasyon gamit ang pagbilang, pagrarangg,o at weighted mean. Batay sa natuklasan 35 na salita sa 139 na katawagang naitala sa buong bahagi ng tahanan ang malimit na ginagamit. Maraming salik ang nakaaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga wikaing ito tulad ng social media, text messaging, paggaya sa mga dayuhang wikain at sa kanilang mga iniidolong artista. Inirerekomenda sa pananaliksik na ipalaganap at ipakilala ang sariling diyalektong pantahanan sa Sorsogon. Mahalin at pahalagahan ang mga diyalektong ginagamit ng mga nakatatanda dahil sa ang mga ito ay mahalaga’t bahagi pa ng kultura’t pagkakakilanlan. Huwag kalimutan ang nakaraan kasama na ang diyalektong pantahanan upang masabing “in”, sapagkat kahit na luma ito kung palagi pa ring ginagamit ay magmumukha pa ring bago. Lumikha ng mga diksiyunaryo o palatumbasan na maglalaman ng mga diyalektong pantahanan man o hindi, upang mapanumbalik ang ilang mga katawagang unti-unti nang nawawala sa sirkulasyon at makilalang muli ng mga Sorsoganon lalo na ng kabataan. Ang mga susunod na mananaliksik ay magsagawa ng iba pang kaugnay na pananaliksik tungkol dito.
Susing salita: dalas ng paggamit, edad ng gumagamit, salik, wikaing pantahanan