J.H. Cerilles State College, Mati, San Miguel, Zambaonga del Sur, PHILIPPINES
redzcuizon@yahoo.com
Date Received: July 15, 2014; Date Revised: August 10, 2014
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
P-ISSN 2350-7756 | E-ISSN 2350-8442| Volume 2, No. 5, October 2014
Meta Analisis sa Pagsusuri ng Maiikling Kwento sa mga Tesis at Disertasyon 619 KB 4 downloads
J.H. Cerilles State College, Mati, San Miguel, Zambaonga del Sur, PHILIPPINES redzcuizon@yahoo.com Date...
Anumang mga pagbabago na makikita sa mundo ay bunga ng pananaliksik. Ang meta-analisis ay isa sa mga bunga ng pananaliksik na ginagamit sa kasalukuyan bilang teknik upang malaman iba pang mga nagsulputang informasyon. Ito’y pag-aaral sa mga pag-aaral. Isang kritikal at sistematikong pagsusuri sa istruktura ng mga pag-aaral. Maging gabay sa mga gradwadong paaralan sa pagpili ng paksang pag- aaralan. Pangunahing layunin na matiyak ang mga pamamaraan sa pagsusuri ng maiikling kwento ng mga tesis at disertasyong nagawa mula sa mga piling SUCs. Desinyong kwalitatibo – kontent analisis sa pagsusuri ng: kaanyuan ayon sa suliranin, metodolohiya, paglalahad at interpretasyon ng mga datos, natuklasan, konklusyon, at rekomendasyon; kahinatnan ayon sa pagkatulad, pagkakaiba at kabuluhan; Emerging tema. Napag-alaman na ang karaniwang pinag-aralan ay 30% kahalagahang pangkatauhan, 20% larawang- diwa ng mga kababaihan at 10% gramatikang aspeto. Sa metodolohiyang ginamit, 80% desinyong kwalitatibo at 20% kwantitatibo-kwalitatibo. Sa paglikom ng datos 60% diretsahang pagsusuri, 30% talatanungan at 10% tseklis. Sa pag-analisa 90% kontent analisis at 10% gramatikal analisis. Batay sa natuklasan, ang pagsusuri ng maiikling kwento sa mga tesis at disertasyon mula sa iba’t ibang paaralan gamit ang meta analisis ay isang epektibo, mabisa, objektibong paraan at kagamitan na magagamit sa makatarungang paghatol; pamumuna sa kabuluhan at kagandahan; paghaham- bing sa mga kritikal na isyu; at pormulasyon ng panibagong pamantayan at batas.
Keywords – Meta analisis, kaanyuan, kahinatnan, emerging