Loida G. Marasigan (PhD), Glenda C. Castillo2, Christy D. Suizo
Mindoro State College of Agriculture and Technology – Calapan City
Campus, Orientral Mindoro, Philippines
polemath@yahoo.com
Date Received: November 9, 2018; Date Revised: February 4, 2019
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 28-32
February 2019
Special Issue
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Katutubong Salita: Tuon sa Kasanayang Komunikatibo 948 KB 2 downloads
Loida G. Marasigan (PhD), Glenda C. Castillo2, Christy D. Suizo Mindoro State College...
Ang wikang Filipino ay dumaraan sa makulay at makabuluhang panahon ng pagsulong. Bilang isang buhay na wika, araw-araw itong humaharap sa dakilang hamon ng pagbabago. Pangunahing layunin sa pag-aaral na ito na malinang at magamit ang mga katutubong salita sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kinalabasan ng pag-aaral ang siyang naging basehan at gabay ng paggawa ng kagamitang pampagtuturo na makatutulong upang mapataas ang antas ng kasanayan sa wika. Ginamit sa pag-aaral na ito ang Palarawang pamamaraan. Ito ay kinasangkutan ng mga mag-aaral sa Ikalawa hanggang Ikaapat na taon na nagmemedyor sa Filipino mula sa mga pampubliko at pambribadong institusyon sa Oriental Mindoro. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang mga guro ay mayroong sariling pamamaraan ng pagtuturo ng katutubong salita bagaman may mga katutubong salita pa rin ang hindi lubos na maunawaan at magamit ng mga mag-aaral sa kanilang pakikipagkomunkasyon. Maraming dahilan ang nakaaapekto sa hindi paggamit ng mga ito, una ay hindi lubusan ang pagkaunawa ang bagongtuntunin ng makabagong ortograpiyang pambansa; ikalawa’y dulot ng modernong teknolohiya; at ikatlo’y ang dayalektong kinabibilangan. Samakatwid, masasabing ang mga katutubong salita ay hindi ganap ang paggamit sa pakikipagkomunikasyon. Inirerekomenda ng mananalisik na patuloy na isagawa ang pag- aaral na ito at gumawa ng modyul bilang isang kagamitang pampagtuturo gamit ang mga katutubong salita. Gamitin ang mabubuong modyul na nakaangkla sa silabus sa pagtuturo ng Filipino.
Susing salita – katutubong salita, kasanayang komunikatibo, wika, pakikipagkomunikasyon, pagtuturo, pagkatuto