Rhea D. Bruma (MAEd-Fil), Felisa D. Marbella (PhD)
Sorsogon State College, Graduate School, Sorsogon City, Philippines
dioneda28@yahoo.com, marbellafely@gmail.com
Date Received: September 12, 2017; Date Revised: February 16, 2019
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 45-51
February 2019, Part II
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Kabisaan ng Strategic Intervention Material (SIM) Sa Pagsulat Sa Filipino 7 639 KB 4 downloads
Rhea D. Bruma (MAEd-Fil), Felisa D. Marbella (PhD) Sorsogon State College, Graduate...
Natiyak sa pag-aaral na ito ang kabisaan ng Strategic Intervention Material (SIM) sa pagsulat sa Filipino. Binibigyang-tugon ng pag-aaral na ito ang Republic Act No. 10533 seksyon 10.3 na humihikayat sa pagbuo at pagpaparami ng mga kagamitang pampagtuturo. Deskriptiv at quasi- experimental ang disenyo ng pananaliksik gamit ang Solomon’s Four Group Design. Ang mga respondent ay 100 mag-aaral sa Baitang 7 na kinabibilangan ng experimental at controlled na pangkat at 25 guro sa Filipino. Ang binuong SIM ay ibinatay sa teoryang multiple intelligences at integratibong dulog. Inihambing ang paunang pagsusulit ng experimental at controlled na pangkat. Ipinagamit sa experimental na pangkat ang SIM at muling pinaghambing ang mga panapos na pagsusulit. Natuklasan na halos magkatulad ang mean iskor ng experimental at controlled na pangkat sa paunang pagsusulit. Mayroon namang mahalagang pagkakaiba ang pauna at panapos na pagsusulit ng dalawang pangkat. Walang mahalagang kaibahan ang mean iskor ng panapos na pagsusulit ng dalawang controlled na pangkat gayundin ang dalawang experimental na pangkat. Higit namang mataas ang mean iskor ng panapos na pagsusulit ng experimental na pangkat kaysa sa controlled na pangkat at walang mahalagang pagkakaiba ang panapos na pagsusulit ng apat na pangkat. Samantala, ang antas ng kabisaan ng binuong SIM ay tanggap na tanggap batay sa pagsusuri ng mga gurong respondent kaya’t ito ay karapat-dapat gamitin bilang kagamitang pampagtuturo sa pagsulat sa Filipino.
Susing-salita: – Kabisaan, Strategic Intervention Material (SIM), kagamitang pampagtuturo, experimental na pangkat, controlled na pangkat, Solomon’s Four Group Design