Kathleen Kay D. Mapa (MAEd), Felisa D. Marbella (PhD)
Sorsogon State College, Sorsogon City, Philippines
mapakathleen@gmail.com, marbellafely@gmail.com
Date Received: October 20, 2017; Date Revised: February 18, 2019
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 33-44
February 2019, Part II
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika 755 KB 10 downloads
Kathleen Kay D. Mapa (MAEd), Felisa D. Marbella (PhD) Sorsogon State College, Sorsogon...
Natiyak sa pag-aaral na ito ang impluwensiya ng midya sa pag-aaral ng wika sa Grade 6 sa Lungsod ng Sorsogon, taong 2018-2019. Ginamit ang deskriptibong kwalititabo-kwantitibo sa pagkuha ng datos. Random sampling ang ginamit sa pagtukoy ng kalahok. Binubuo ng 1,496 kalahok mula 1,360 sa Grade 6 at 136 na guro sa Lungsod ng Sorsogon. Ang pangunahing instrumento sa paglikom ng datos ay ang inihandang tseklist at pakikipanayam sa guro. Ginamit ang frequency count at pagraranggo sa pagkuha ng kasagutan. Natuklasan ang impluwensiya ng midya sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Sa ponolohiya, ang Grade 6 at guro ay nalalaman ang artikulasyon sa malapatinig na pagbitiw ng letra. Sa morpolohiya, ang Grade 6 ay nakapagbabaybay ng mas maaayos; sa guro ay naiaangkop ang paggamit ng panlapi/salitang ugat. Sa sintaks, ang Grade 6 ay napapadaling maunawaan ang pangungusap, ang guro ay napapabilis ang paghatid ng mensahe. Sa semantika, ang Grade 6 ay naipapaunawa ang kahulugan, sa guro aynapapalinaw ang di kilalalang salita. Ang impluwensya ng midya sa pagkatuto ng wika ayon sa panayam sa guro ay napupukaw ang interes ng Grade 6. Ang mabuting dulot ng midya sa Wikang Filipino sa Grade 6 at guro ay natatangkilik ang sariling wika at napapadali ang pagsulat at pagbasa. Ang di-mabuting dulot sa Grade 6 ay nasasayang ang oras sa paglago ng ating wika. Sa guro ay nagagamit ang balbal na salita. Sa Ingles ng Grade 6 ay napapadaling gumamit nito, sa guro ay magagamit sa pakikipagsapalaran.
Susing-salita: impluwensiya, midya, wika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks,