Richelda P. Jolo, Felisa D. Marbella
Sorsogon State College, Paaralang Gradwado, Sorsogon City, Philippines
richeldajolo@gmail.com, marbellafely@gmail.com
Date Received: December 5, 2017; Date Revised: November 24, 2018
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 1-6
February 2019
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Filipino: Gamit sa mga Literaturang Panturismo 904 KB 3 downloads
Richelda P. Jolo, Felisa D. Marbella Sorsogon State College, Paaralang Gradwado,...
Natiyak sa pag-aaral na ito ang gamit ng Filipino sa literaturang panturismo ng Lungsod ng Sorsogon. Deskriptib-debelopmental na disenyo ang ginamit ng mananaliksik sa paglikom ng datos na kakailanganin sa pag-aaral. Isang talatanungan at pormal na interbyu ang ginamit sa pag-aaral na may pitumpo’t pitong kalahok. Purposive sampling ang ginamit ng manaliksik sa pagkuha ng respondents mula sa tanggapan ng Philippine Information Agency at Departamento ng turismo. Samantala, random sampling naman para sa pagkuha ng respondents mula sa komunidad, Local Government Unit at turista. Ang mga nakalap na datos ay inalisa, at binigyang intepretasyon sa tulong ng nararapat na estadistika. Natuklasan na mahalaga ang literaturang panturismong nakasulat sa Filipino.Mas maraming nagsasabing wala pang literaturang panturismong nakasulat sa Filipino sa lungsod sapagkat ang karamihan sa mga patalastas ay nakasulat sa Ingles.Pinakapangunahing maitutulong ng turismo sa pagpapaunlad ng wika ay kapag ginamit ang Filipino sa anumang babasahin patungkol sa turismo. Mas marami ang matuto nito dahil ito’y kanilang nauunawaan. Ang nagawang magasin ay dapat tangkilikin. Inirerekomenda na gamitin ang Filipino sa turismo upang higit itong mapaunlad. Lumikha ng mga karagdagang babasahing kaugnay dito gamit ang Filipino. Ipaalam sa mamamayan ang babasahing patungkol sa turismong nakasulat sa Filipino. Bigyang pansin ng nanunungkulan sa pamahalaan ang puspusang paggamit ng wika sa turismo. Ang mga susunod na mananaliksik ay magsagawa ng iba pang kaugnay na pananaliksik tungkol dito.
Susing-salita(Keywords): Turismo (Tourism), Turista (Tourist), Literaturang Panturismo (Tourism Literary), Mga Literatura Patungkol sa Turismo (Literary About Tourism)