Rica Joy D. Gasang, Maria Luz D. Calibayan (EdD)
University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato, Philippines
luzcalibayan29@gmail.com
Date Received: September 19, 2017; Date Revised: February 18, 2019
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 52-57
February 2019, Part II
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Epekto ng Instrumental OPM sa Komprehensyon ng mga Mag-Aaral 607 KB 4 downloads
Rica Joy D. Gasang, Maria Luz D. Calibayan (EdD) University of Southern Mindanao,...
Marami ng pag-aaral ang nagpatunay sa makabuluhang epekto ng musika sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral partikular sa gawaing pagbasa. Nilayon ng pananaliksik na ito na mailahad ang impluwensiya ng instrumental OPM music sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa ng teksto. Sa pagkuha ng datos, apatnapung (40) mag-aaral sa ikawalong baitang (Grade 8) ang nagsilbing mga kalahok sa pag-aaral. Hinati sa dalawang grupo ang mga mag-aaral dalawampu (20) para sa kontrolado at dalawampu (20) naman sa eksperimental na grupo. Ang dalawang grupo ay parehong pinabasa ng teksto at binigyan ng parehong pagsusulit sa unang limang araw na di ginamitan ng musika. Pagkasunod na lingo muling pinabasa ng parehong teksto at binigyan ng parehong pagsusulit ang dalawang grupo. Ginamitan ng “background music” ang grupong eksperimental samantalang walang musika sa kontroladong grupo. Sa pag-aaral na ito ginamit ang pamaraang “True Experiment partikular ang “Pre-test- Post-test Control Group Design”. Natuklasan na mas mataas ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa eksperimental na grupo kung ihambing sa kontroladong grupo. Napatunayan sa pag-aaral na ito ang makabuluhang epekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral ang pagpaparinig ng musika habang nagbabasa ng teksto.
Mga susing salita: Komprehensyon, Pagbasa, Musikang Instrumental (OPM)