JULIETA CRUZ-CEBRERO
J.H. Cerilles State College, Mati, San Miguel, Zamboanga del Sur
cebrerojulieta@yahoo.com
Date Received: July 15, 2014; Date Published: September 04, 2014
Asia Pacific Journal of Education, Arts and Sciences | Vol. 1, No. 4 | September 2014
Dayalektal na Diversidad ng Wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula 486 KB 2 downloads
JULIETA CRUZ-CEBRERO J.H. Cerilles State College, Mati, San Miguel, Zamboanga del...
Sumasailalim ang wika ng pagbabago kung kaya’t nagiging diversipikado ito. Ang pagkakaibang ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng mga varayti ng isang partikular na wika. Nabubuo ang dayalektal na diversidad na ito kung nahihiwalay ang isang pangkat sa mga kapangkat sa heyograpikal na kadahilanan. Nagkakaroon ng varyasyon maging sa mga katawagang kultural dahil hindi ganap na naisasakatuparan o naisasakultura ang mga gawaing kultural ng napahiwalay na maliit na pangkat. Isang magandang halimbawa rito ang pangkat ng mga Subanen na matatagpuan sa Zamboanga Peninsula sa Mindanao. Isinagawa ang pag-aaral upang malaman ang linggwistikong pagkakaiba ng mga dayalektong Subanen na ginagamit sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur at Lalawigan ng Zamboanga del Norte. Pamaraang indehinus nina Santiago at Enriquez ang ginamit sa pangongolekta ng mga datos. Mga katawagang kultural sa siklo ng buhay, pangkabuhayan at pananampalataya ang kinolekta bilang lunsaran. Gamit ang kwalitatibo at kwantitatibong disenyo at pamaraang diskriptibo sa pagsusuri at pagtalakay ng mga datos . Rehiyon ng Tangway ng Zamboanga o rehiyon IX ang lugar ng pananaliksik. Pinili ang bayan ng Lapuyan sa Zamboanga del Sur dahil ito ang sentro ng Timog Subanen, at Sindangan naman sa Zamboanga del Norte para sa Gitnang Subanen. Sa pagsusuri sa mga katangiang istruktural ng wikang Subanen na isang indehinus na wikang ginagamit sa Lapuyan, Zamboanga del Sur at Sindangan, Zamboanga del Norte, natukoy ang varyasyong linggwistikal nito maging ang pagkakatulad ngunit higit ang pagkakaiba partikular sa ponolohiya.
Keywords – Dayalektal, Wikang Subanen