Trina Marie A. Catipay
Cebu Normal University, Cebu City, Philippines
tmcatipay@gmail.com
Date Received: December 6, 2017; Date Revised: November 24, 2018
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Vol. 7 No.1, 7-14
February 2019
P-ISSN 2350-7756
E-ISSN 2350-8442
CHED Recognized Journal
ASEAN Citation Index
Antolohiya ng mga Sugbu-anun’g Kwentong Bayan: Pagbabalik-tanaw sa buhay at kulturang Cebuano 979 KB 3 downloads
Trina Marie A. Catipay Cebu Normal University, Cebu City, Philippines tmcatipay@gmail.com Date...
Ang mga Cebuano – gaya ng ilang mga Pilipino – ay lumaki sa mga kuwento tulad ng mga mito at alamat. Ang mga kuwentong ito ay nagpapakita ng buhay ng mga Cebuano sa maraming paraan. Nilalayon ng pag-aaral na ito na kolektahin ang mga hindi nalathalang mga kuwento ng Pilipinas mula sa isla ng Cebu sa pamamagitan pagdodokumento at paggawa ng antolohiya nito sa wikang Filipino at Cebuano-Visayan na wika. Tulad ng anumang mga anyo ng kultural na pamana, ang mga kwentong bayan (folktale) ay nanganganib na mawala dala ng mabilis na pagbabago na dala ng globalisasyon at migrasyon. Kaya ang pangangailangan sa pagpapanatili ng mga alamat na kumakatawan sa pagkakakilanlan ng bansa at ng mga tao nito ay mataas. Samakatuwid ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay magiging daan sa pagbabalik- tanaw sa buhay ng mga Pilipino – partikular na ang mga Cebuano – at muling pagsasabuhay ng mga kolektibong pagpapahalaga nito. Pagkatapos ng masusing pagsisiyasat sa nakolekta na datos, nalaman na ang mga kwentong Sugbu-anun ay napapabilang sa apat na kategorya ayon sa gamit (function) nito. Ito ay ang – Pampamilya, Pangkatakutan, Pangkalikasan, at Panrelihiyon. Ang pamumuhay ng mga Cebuanos ay lumitaw sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba’t ibang mga tema. Ang mga sumusunod ay ang mga tema na naging gabay ng mga Cebuaneo para sa isang matiwasay at ligtas na pamumuhay: pakaingatan ang kalikasan, pagpapahalaga at paggalang, pagkakaroon ng masasamang pwersa sa mundo, pagiging handa, paghiling ng kapatawaran, pagpapanatili ng kabuhayan, at pagiging relihiyoso. Ang naturang likas na pag-uugali ng mga Cebuano ay nananaig din at ito nahahati sa 6 na mga kolektibong pagpapahalaga: (1) pagpapahalaga sa relasyon, (2) pagpapahalagang sosyal, (3) pagpapahalaga sa kalooban, (4) pagpapahalaga sa kabuhayan, (5) pananampalataya at relihiyosong halaga, (6) positibong pananaw.
Keywords – Anthology, Unpublished, Themes, Cebuano ways and life, Collective Values