MICHAEL M. RAMOS
De La Salle Lipa, Batangas, Philippines
mykramos1517@gmail.com
Date Received: July 26, 2014; Date Published: September 04, 2014
Ang Dalawang Anyo ng Subli: Laro at Panata 368 KB 1 downloads
MICHAEL M. RAMOS De La Salle Lipa, Batangas, Philippines mykramos1517@gmail.com Date...
Ang subli sa anyo ng sayaw ay dapat maintindihan ng bawat Batangueno na ito ay hindi lamang isang ordinaryong sayaw na sumasalamin lamang sa yamang sining ng Batangas, bagkus ito ay isa rin sayaw na ritwal na nagpapakita ng kalaliman ng ispirituwalidad at pananampalataya ng mga Batangueno. Ang pagsunod sa tradisyong kinagisnan ay dapat may malalim at mabuitng pag-uunawa sa kahulugan at halaga nito upang ang katutubong tradisyon o paniniwala ay hindi tuluyang maglayo o dili kaya ay makalimutan ito sa tunay nitong kaanyuan. Kung maiipapakilala lamang ng maayos ang subli sa dalawang nitong anyo bilang laro at panata, mawawala ang mga agam-agam sa tunay na kahulugan at pinagsimulan ng sayaw na subli. ang subli sa anyo ng laro at panata ay hindi magkahiwalay na elemento sa gamit nito para sa mga katutubo. Marahil kung ang takbo ng kasaysayan ang ating pagbabasihan, may mga tanong na maaaring mabuo sa mga nalakap na impormasyon tungkol sa sayaw na subli tulad ng mga sumusunod: Papaano nahati ang subli sa magkaibang pananaw, bilang laro at panata? Ano ang tunay na kahulugan ng salitang subli? Bakit sa kanluraning bayan lamang ng Batangas napreserba ang ganitong tradisyon at paniniwala tungkol sa subli bilang isang ritwal? Ang mga katanungang ito ay nangangailangan ng mahabang panananaliksik upang mahanap ang mga kasagutan. Ganoon pa man, ang dalawang uri ng pagsipat sa paniniwala ng mga Batangueno sa subli, bilang isang laro o panata, ay dapat bigyan pansin upang ang kabuuan ng importansya at kahulugan ng subli ay huwag lubusang maglaho sa tunay nitong kaanyuan bilang isang sayaw ng panata ng mga Batangueno.
Keywords: Subli, Manunubli, Ritwal, Panata, Laro